“Live every day like it’s your last, ‘cause one day you’re gonna be right.” — Ray Charles
Gandang araw sa inyong lahat. Bale pangalawang blog account ko na ito. Medyo na badtrip ako doon sa blogger.com dahil hindi ko mapalitan yung theme ko kaya’t nilipat ko na lang yung mga postings ko dito sa wordpress. Kaya’t read on, be updated, enjoy, and hopefully, you may learn a thing or two in my very own small korner.
Ginaw ko ito noong October 1, 2004:
I thought of starting my own blog today since we are also celebrating Bonifacio’s Day and it would be nice to say that I started blogging on B-Day. (B as in Boni, B as in Blog. See the connection.) Anyway, here it is, my very own blogspot, it maybe late but as the saying goes, “Better late than never”. I’ve also decided to write it in our own language so I can fully and effectively express my thoughts, ideas, experiences, anecdotes, and stories.
And besides, mahirap din ata ang magsulat ng purong ingles.
Magandang araw sa inyong lahat. Kagaya nga ng aking pamagat, ito ang aking panimula sa nakaaliw at masayang mundo ng blogging. Ako nga pala si Charlie Soriano. Isang OFW dito sa Qatar. Tawagin nyo na lamang ako sa aking palayaw na Cha or Charlie. Kayo’y aking malugod na inaanyayahan na basahin ang aking simpleng weblog at ng sa ganoon ay mas lalo nyo pa akong makilala at nawa’y malibang sa mga istorya at kuwento ng aking buhay.
Una kong nabasa ang salitang “blog” sa newspaper dito sa Qatar kung saan naging isyu ito sa Washington DC dahil sa isang blog site na ginawa ng isang intern (Na naman!) sa Senate house kung saan dinetalye nya ang kanyang “sideline” at “serbisyo”. Kungbaga ay tropa din nya sina Keanna. Sayang nga at hindi ko nabasa ang kanyang blog na puno pa naman daw ng mga “natatanging kwento at litratro”. Na encounter ko ulit ang salitang ito ng sinusundan ko ang NBA Finals 2004. Sinundan ko ang laban ng Lakers at Pistons sa Finals Blog ng NBA.COM dahil wala naman kaming cable para mapanood ang mga laban nila. Masarap basahin dahil lahat ng nangyayari sa court area at yung opinyon ng mga sumusulat ay nakalagay kaya’t nag enjoy ako ng husto. Hanggang sa unti-unti na rin akong naghanap pa ng iba pang mga blog site. At ng isang araw na nagpapahinga ako ay naisipan ko na rin na simulan ang sarili kong blog. (Eto na nga iyon!) And besides, it’s the start of a new month and the best way to welcome it is to indulge yourself into doing something new and different. Hindi ko alam kung kayo ay masisiyahan sa aking mga isusulat nguni’t gayunpaman ay bukas naman ako sa inyong mga suhestiyon at pangungutya. Kagaya nga sabi nila sa ingles, “Feel free” na basahin at ibigay ang inyong mga komento.
Kaya’t yon at excited na akong mag update kahit man lang sana weekly kaso sa dami ng load ko din opisina ay hindi ko pa rin nagawang matapos ang lahat ng nais kong ilagay dito. Hanggang sa nakabasa ako ng pahayag ng isang pinoy blogger tungkol effort na kanyang binibigay upang ma-update lamang ang kanyag blog site araw-araw at ang impluwensyang kanyang na ibinigay sa kanyang asawa, kapatid at mga kaibigan upang gumawa na rin ng sarili nilang blog site. Kaya’t eto, kapag walang ginagawa ay aking dinadagdagan na lamang ang aking weblog.
Well, kagaya ng napakamaraming Pinoy na nais mapagbuti pa ang kanilang mga kabuhayan at nagnanais pang abutin ang kanilang mga pangarap ay nagpasya na din ako na tumulak papuntang ibang bansa upang hanapin pa ang mas madaming swerte. Sa tulong at biyaya ng Diyos, ako naman ay kanyang pinagpala ng isang magandang trabaho sa isang multinational company dito sa Qatar. Qatar?! Hindi, Katarman o UK o United Katar. Qatar lang po talaga. Ito ay isang maliit nguni’t mayaman na bansa dito sa Middle East. Mas madami pa ang mga expats dito kaysa sa mga loca l na Qatari’s. Yan naman ang tawag sa mga katutubong Arabo dito. Ito ay isang Muslim na bansa nguni’t “open-country” naman meaning hindi mahigpit. Pwedeng uminon ng alak basta’s sa tamang lugar lamang. Hindi rin bawal ang makisalamuha sa mga babae o kumain sa oras ng kanilang dasal. Nagagawa din ng mga kababaihan na suotin ang nais nilang damit, sleevelesss o mini-skirt ‘man ito. Kaya’t ang sabi nga nila ay hindi ka na malulungkot dito…hindi naman dahil sa mga cleaveage at legs na makikita mo…kundi dahil sa malaya ka naman na gawain ang gusto mo basta huwag lang itong lalabag sa kanilang batas at kultura.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiisip ang kahulugan kapag sinasabi ng ibang mga kababayan natin na hindi kami malulungkot dito dahil sa open-country to’. Siguro sa iba ang kahulugan ng pagiging masaya ay ang availability ng ABS, hindi yan mother company ng TFC, kundi Alak, Babae, at Sugal. Hindi ka naman dito nagpunta para magsaya kundi para sa kinabukasan naman ng iyong pamilya. Para sa akin kahit na dito pa nakalagay ang Statue of Liberty o Eifell Tower o anumang magagandang tanawin o lugar, ang kaligayahan ay hindi pa rin magiging kumpleto dahil malayo ka sa iyong pamilya.







pareng charlie, congratulations sa iyong bagong pinagkakaabalahan. ang galing mo palang magsulat…parang professional! i’m a big fan of blogs…very entertaining and informative kasi kaya excited akong mabasa ang blog mo. meron din akong blog pero sa yahoo 360 lang but unfortunately tinamad na ko i-update. anyway, i’ll be looking forward to your future entries.
mabuhay!!!
hey cha! maybe someday nominated ka na sa philippine blog awards!!!
Salamat po. Ikaw na muna ang bibigyan ko ng award kasi you are the first reader na nag iwan ng comment sa akin.
Si Karl ay galing na din dito kaso iniisip pa niyang mabuti ang kanyang mga iiwan na comments para sa akin. hehe
As for the blog award, hindi naman masamang mangarap. hehe Basta ang mahalaga ay makapag kwento ako sa inyo.
Salamat uli sa iyong mga “words of encouragement”. Huwag kang magsasawang bumisita at siyempre i-encourage din kita na i-update or gumawa pa ng bagong blog at para mabasa ko din naman yung sa iyo.
Have a great day.
Wow at pareho pala tayo ng tayo ng hilig. Wayback 2004 ay nagbabasa na rin ako nito at sobrang enjoy din ako.
I’ll be posting soon yung iba ko pang mga pinupuntahan kaya’t check them out and you will surely enjoy them all.