“Doha 2016 Public Launch Ceremony and Festival. Live at the Corniche this evening at 6 pm. Please join us.”
Eto ang text na received ko last week regarding sa bid ng Qatar for the 2016 Olympic. Kapag nagkataon ay sila ang unang Middle East country na mag ho-host ng pinakalamaking sport event na ito. Bale yung nakaraang Doha Asian Games 2006 ay dress rehearsal pa lang at eto bale ang kanilang coming-out-party. Kung pera lang ang pag-uusapan, “Maning-mani”, kagaya na lang ng sinasabi sa Mixed Nuts. Madali din nilang madadagdagan yung mga facilities na ginamit noong nakaraang Asiang Games dito. Kaso ang tanong ay kung ready nga ba ang mga lokal na Qatari sa isang sporting event na malaking event na katulad nito at kung matuloy man ay maari mo na rin isipin na parang magnet ang bansa ito sa lahat ng mga, ehem, terorista, nagbabalak “magbigay mensahe” sa kanilang mga “kaibigang” bansa. Which we hope na hindi naman mangyari, if ever.
Kaso launching pala ng kanilang bid ay palpak na agad ang mga organizer dahil puro mga VIPs at dignitaries lang ang nakapanood doon sa event. Samantalang yung target audience nila ay hindi halos nakalapit sa stage dahil sa mga security measures at dami ng mga tao na pumunta. Sa isang malaking big screen na lang sila nanood na walang mga speakers kaya’t parang silent movie tuloy ang dating. Mabuti na lang at wala kami doon. Ang isang nakakatawa naman doon ay kaya pala sangkatutak ang tao ie. Nepali, Srilankan, Bangladeshi, at mga Indiano ay dahil sa ang pagkakaintindi pala ng karamihan doon sa text na “…Public Launch…” ay “Public Lunch”. Galing di’ba! Kaya pala wala sila sa kanilang mga tambayan, ay nagpuntahan pala doon at inakalang may libreng chow kaso gutom at pagod lang ang inabot. Kaya’t moral lesson dito ay dapat ka ng bumili ng sarili mong cellphone at ng sa ganoon ay ikaw na mismo ang makakabasa ng mga text na pinadadala ng QTel at hindi ka na lang basta sama ng sama.






