Gawa ko pa noong December 19, 2005:
Hard to Believe…ang title ng isang kanta ng Eraserheads na galing sa Sticker Happy album. Hindi naging kasing popular ng Pare ko, Ligaya, o El Bimbo pero unang dinig ko pa lang ay nagustuhan ko na agad. Classic Eraserheads. Marami pa ang nagsabi na mala-Beatles ang kanilang pagkakagawa sa kantang ‘to.
Hard to Believe naman na parang hindi pinag-handaan ng ibang banda ang kanilang naging contribution sa EHeads tribute album. Nag expect ako ng mas magandang tugtugan mula sa Orange & Lemon, Cueshe, at Spongecola kaso ay disappointing ang kanilang mga naging version. Kudos naman sa MYMP, Imago, FrancisM, 6Cycle Mind, Southborder (With their R&B version of With a Smile, instant favorite!) at da veteran Rico J. Galing! Para naman sa Alcohol ng Radioactive Sago Project… Wow, sadyang radioactive talaga!
Una kong silang napanood sa kanilang interview sa Probe Team (Kapuso pa sila no’n) kung saan nagkwento sila ng mga naging experiences nila sa iba’t ibang mga music companies na tumanggi sa kanilang mga kanta. Medyo may angas na ng konti dahil sa success ng kanilang unang album pero makikita mo na may laman naman ang kanilang mga sinasabi. Dahil nga dito ay nagsimula na muling umarangkada ang mga Pinoy band sa ating music industry at kagaya nga ng madalas nating sabihin “…and the rest is history.”
At dahil na nga sa ganda ng kanilang mga tugtugan ay hindi na rin mabilang ang mga inuman, birthdays, outings, pa-morningan, bonding, at fiestas kung saan kasakasama ng buong tropa ang kanilang mga awitin. Tape pa ang uso no’n at hindi pa sikat ang mp3.
Hard to Believe na pagkatapos ng matagal nilang samahan, multi-awarded albums, local at international awards, venue-filled concerts, US tours, mga playstation games na nilaro, at dina mabilang na kahong beer at pulutan na naubos ay bigla na lamang silang na disband noong taong 2000 dahil sa biglaang pag-alis ni Ely. Isang text lang ang pinadala niya kina Buddy, Markus, at Raymond na nagsasabing “Graduate na ako!”. Ano yon?! Pagkatapos ng lahat ng hirap na inyong naranasan at tawanan na pinagsaluhan ay ganoon na lang yon. Hindi ako naniniwala sa sinabi ni Ely na kung hindi sila naghiwalay ay malamang na “laos na laos” na sila ngayon. Samantalang kamakailan naman ay sinabi niya na “Out of control na yung business side.” Artistic differences, financial matters, o ang kanilang mga ego kaya ang naging dahilan ng kanilang pag disband? We’ll never know. Marahil ay nakalimutan niya na ang kanilang galing sa paggawa ng kanta ay nagmula sa kanilang pagiging magka-kaibigan at hindi lamang sa iisang taong sumulat nito.
This album is not a tribute but a reminder how great their band was and a testament to the exceptional friendship that bonded them together. I hope someday they will also learn to apply the messages of their songs and start playing great music once again.
“Minsan sa may Kalayaan tayo ay nagkita….”
Hard to Believe
I find it hard to believe
That all the pain that we are feeling
Has some meaning in this world
It’s so hard to believe
When everything you see is different
From the things that you’ve been told
I wanted life to be this way
Just a little bit of love could mean so much
Oh please don’t take it all away
But with you heaven is still close enough to touch
I find it hard to believe
That someone up there is waiting
With arms open wide and smiling







[...] To find more information from the source here [...]