Top Payb na mga Senyales na Ikaw ay Homesick:
1. Pag gising mo sa umaga ay nagmamadali kang naghilamos ng medyo may naramdaman ka sa iyong mukha, eto pala yung eyeglass na isinuot mo na agad habang papalabas ka ng kwarto mo.
2. Ginamit mong toothpaste ay St. Ives facial cleanser.
3. Yung toothbrush mo na may facial cleanser ay deretso mo ng pinanlinis ng iyong mga ngipin.
4. Inaayos nyo ang inyong cable settings at nalimutan mo na may sinaing ka nga pala kaya’t sunog na ito ng binalikan mo.
5. Tinawanan ka ng flatmate mong Pinoy na katulong mo sa pag-aayos ng inyong cable settings dahil sa nangyari sa iyo, at mayamaya pa ay sinaing naman niya ang nasunog.
Patnubay:
(Ang mga nabanggit na senyales ay hango po sa mga tunay na pangyayari at hindi po mga kathang isip)







pareng charlie mukhang nangyari lahat yan sa yo ha!
Hindi ko pa pwedeng i-reveal ang source ng mga data ko. One year upon posting pa ang release nila.
wehehe!!! isa jan sa senyales mo ang nangyari na sa akin..
pero lasing ako nun.. hehehe uli..