Bakit kaya walang representative ang mga Qatari, Jordanian, Lebanese, or Egyptian sa Formula 1? Bakit kamo? Ibang klase kasi kung magmaneho ang mga ‘to, feeling mo parang nakikipagkarera lagi. Noong isang araw lang ay isang napakabilis na Suburban na minamaneho ng isang Arabyano (Di’ko sure yung lahi) ang nakita naming dumaan sa gitna ng dalawang mabilis na trailer na magkasalubong pa naman. Buhay pa rin ang ogag!
Bakit kaya ang mga Egyptian ay feeling superyor lagi? Kung makaasta ay akala mong mabilis at masinop sa kanilang mga trabaho. Walang ginawa kundi bantayan yung mga Pinoy at tanungin lagi kung bakit wala silang ginagawa, e kasi nga natapos na natin agad. Intha mafeh mook?!
Bakit kaya ang mga Indiano kapag nasa meeting kung saan iba’t ibang lahi ang kasali ay nagagawa nilang magsalita sa kanilang lenggwahe habang nag e-explain tungkol sa mga isyu na tinanong sa kanila? Wala silang pakialam kung hindi mo sila maintindihan. Ang turo sa akin noong Grade 1 ako ay kabastusan ang mag-usap kapag may kasama kayong hindi nakakaintindi ng iyong lenggwahe kahit ano pa ang inyong pinag-uusapan. Lupet n’yo!
Bakit kaya ang mga Indiano ay takang-takang kapag nakikita nilang napaka “multi-tasking” ng mga Pinoy? Halimbawa, marunong ng magkapintero ay marunong pang maging electrician at marunong pa rin maging kusinero at marunong pa rin mag-programming at marunong pa rin maging accountant, etcheteraetchetera. Tinatanong pa kung nag e-enroll ba daw tayo ng mga additional courses sa kolehiyo.
Bakit kaya lahat ng mga Indianong nakikilala ko ay puro mayayabang? Minsan may nagsabi sa akin na sadyang pinalake sila ng ganito, kaso bagyo na ang dating nila. Noong matindi yung nakawan sa New Orleans dahil sa Hurricane Katrina ay marami ang nagyayabang sa kanila hindi daw sila ganoon, tsk, tsk, tsk, nagkakagulo na ay nagawa pang buhatin ang mga sarili. Tindi n’yo!
Bakit kaya kapag pumipila ang mga Indiano ay sobrang dikit-dikit sila at hindi ka basta-basta makakadaan sa pagitan nila? Feeling mo tuloy ay kakapit na s’yo yung amoy ng nasa likod mo. Nyahahah!
Bakit kaya ang mga Nepali kapag namamasyal o naglalakad ay holding hands pa sila kahit na pareho silang lalake? Idol ba nila si Piolo at Sam? Bakit kapag ginagawa ko naman ito sa mga kaibigan kong lalake ay na-aalibadbaran naman sila sa akin? Kainis kayo!
Bakit kaya ang mga Sri Lankan ang hilig mag-kodakan? Minsan may nadaanan kami sa highway papuntang sealine kung saan mayroon isang welcome sign sa gitna ng daan ay ang dami nilang nagpapakuha dito at hindi na pinansin ang pagiging peligroso ng kanilang mga kinatatayuan. Ingat kyo dyan!
Bakit kaya marami pa rin sa mga Egyptian ang hindi gumagamit ng toothbrush at toothpaste samantalang matagal na itong naimbeto para gamitin ng lahat? Kaya’t sa umaga ay hindi ko na binabati o kinakausap ang mga ito at para hindi na masira pa ang aking araw. Nyahahah!
Bakit kaya yung ibang mga Pinay na nagtra-trabaho dito sa Department store ay masusungit? Feeling ata nila na ang bawat Pinoy na dadaan sa kanilang mga store ay hihingin ang kanilang mga mobile number at liligawan sila. Please naman!
Bakit kaya kailangan pang magpa-presscon ni Sam at Piolo para sabihing hindi sila bading? Mas magiging macho ba sila no’n? Oops, teka at pang showbiz na ‘to.
Bakit kaya marami pa rin sa ating mga Pinoy na mayroong magagandang estado at trabaho dito sa Qatar ang patuloy na nagsasalita ng mga negatibong bagay tungkol sa ating bansa? Kesyo corrupt ang ating gobyerno, daming mga kriminal, nagkalat ang mga basura, walang trabahong makuha, kulang sa mga insprastruktura, etcheteraetchetera. Nangangahulugan ba nito na mas superyor na s’ya kaysa doon sa mga naiwan sa Pinas? Na ang kanyang opinyon ang naglalaman ng mga kasagutan sa problema ng ating bansa? Magbago na tayo! Aksyon muna bago salita!
Ang inyong mga kasagutan ay automatikong magpapanalo sa inyo ng isang 5-Gallon at anin na pirasong Nestle Pure Life. Maari n’yo po itong daanan anumang oras dito sa aming planta.







ayos ang obserbasyon mo…tama lahat! pero ano kayang obserbasyon nila sa mga pinoy?!!
bakit nga naman ba panay reklamo ang sambit natin basta sa pinas ang pinag uusapan? dapat tayo ang maging ambassador of good will.. ako lahat ng taong makausap ko sinasabi kong maganda sa pinas. ako ang tourism governor dito, hehe..
hi ana! i’m sure na maganda ang obserbasyon nila sa atin kasi panay pa rin ang kuha nila sa ating mga Pinoy para magtrabaho sa kanilang mga kumpanya.
hi kengkay! tama ka dyan. mahalagang maging ambassador of goodwill tayo at ipagmalaki ang ating bansa sa lahat ng pagkakataon.