Ewan ko ba at bakit ang hilig sirain ng mga American directors ang New York City at Statue of Liberty, siguro ito’y para mag-iwan agad ng magandang impresyon sa kanilang mga target audience at para kapag lumabas ang kanilang pelikula ay pilahan ito ng husto. Mahigit ng isang buwan ng makita ko ang preview ng pelikulang ito, simple lang pero rock, ika nga. Mayroong hawak na videocam ang isang lalake at nasa party sila, binibigyan ng despedida yung ka officemate nila dahil papunta na siya sa Japan, then biglang nag blackout, punta sila ng rooftop, may narinig na parang sigaw ng isang halimaw (Yes at siguradong halimaw dahil ibang klase yung tunog) at mamaya pa ay sumasabog ng yung mga building. Nagbabaan na sila at dala pa rin yung videocam ng bigla na lang daanan sila ng ulo ni Aling Liberty then fade to black sabay labas ng 1.18.08. Galing ng preview! Talaga namang kuha agad ang iyong atensyon.
Ngayon ay lumabas na yung official title niya na Cloverfield. Very low profile yung pelikula kung ikukumpara sa ibang mga Hollywood movies pero heavily promoted sa internet dahil sa dami ng mga viral website na lumabas para gumawa ng hustong ingay sa pag-promote sa kanya. Kung baga style Blairwitch ang dating hoping na mas misteryoso ay mas marami ang ma-curios at manood nguni’t hindi naman kasing tindi ng ginawa sa Snakes on a Plane na hindi naman kumita dahil sa overpromoted na siya. Nagsawa ata yung mga tao sa kakadinig nila kay Samuel Jackson ng kanyang linya sa movie na “I want this maderpacking snakes out of dis maderpacking plane” sa bawat interview niya na lumabas sa internet kaya’t medyo nawalan na ng gana silang manood. At kapag sinubukan mong i-type ang “cloverfiled the film” sa google search engine ay mahigit 2 milyong hits ang makukuha mo pero ganon pa man ay hindi pa rin alam kung anong klaseng monster-movie ito, may nagsasabi ng bagong Godzilla movie, Voltron movie (Though meron na rin talaga no’n), o kaya’y higanteng slug. Mayroon din nagsasabi na maaring yung movie ay iikot lamang sa mga New Yorkers, kung paano sila naapektuhan doon sa pag-atake at talagang hind naman ipapakita yung hitsura ng halimaw. Pwede din!
Pero kahit ano pa man ito ay sigurado na niyang nakuha ang aking atensyon, hindi ko man ito mapanood sa sinehan, ay sigurado namang i-do-download pa rin naman ito as soon na maging available ito sa aming suking torrent site. heheh








very intriguing movie! di ka talaga pahuhuli sa latest movies!
wehehe!! baka naman pwede pa-share pagka-DL mo??
nakikibasa lang po!!! add kita sa roll ko po!! teeway!!!!
hi bunz! oo ba! next year ay available na yan. heheh salamat at napunta ka dito. padala mo din blog mo para makapunta din ako sa iyo.
aha..isa k rin pla sa nagpost nyan.. hehe.. salamat sa pagbisita..