Yun, O! Hindi ko alam kung dahil ba sa title o sa picture ng anak ko kung bakit ako napunta ngayong araw na ito sa top post for wordpressdatkom, pero masaya yung feeling na makita ko yung entry ko na nakalagay doon. Gusto ko sanang ibida ito sa mga pare ko dito sa opisina namin kaso medyo enjoy pa sila sa kanilang mga prendster account kaya’t wala pa silang time na alamin itong mas masayang mundo ng mga Pinoy bloggers dito sa WPP.
Gayunpaman ay big deal pa rin ito sa akin, una ay dahil nakalagay dito ang picture ng aking anak, pangalawa ay dahil madaming nagkamaling nagbasa ng aking posting, pangatlo ay dahil bertdey ng Nanay ko kaya’t parang surreal ang dating sa akin, pangapat ay dahil kasabay ko sa listahan yung mga hinahangaan natin sa WPP, at panglima ay dahil sa nadagdagan pa ang mga kababayan natin na nakilala ko at tumabay kahit saglit lang dito sa aking korner.
Pasalamat din ako at hindi pa nagpost ng mga bagong entries yung ibang mga hinahangaan natin dito kaya’t medyo nakasingit tayo. hehehe At dahil nga sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na natapos pa yung mga report ko sa araw na ito sa kakatingin kung gaano ako katagal malalagay sa top posts na yon at sa pag-isip pa ng mga matitinding pamagat na maghahatak pa sa mas maraming mambabasa tulad ng “Kapag pinisil ang dibdib, ay may gatas na lumalabas” o kaya naman ay “Hwag koya, malaki yan!” kaso hindi ko na rin itinuloy kasi baka mapagkamalan pa akong relative ng producer ng Seiko films. Kaya’t don’t worry mga sister at magpapakatotoo na lang ako. Kaya’t sa mga pumindot sa aking link, nagbasa ng aking post, at nagpunta sa aking korner, salamat sa inyong lahat na nagpataba ng aking puso. (Tagal na rin akong hindi nakakain ng taba kaya’t talaga namang nasarapan ako dito!) Hopefully, kapag dumami pa ang mga mambabasa ko ay pwede ko na rin sigurong pagkaperahan ang aking blog. Kaching! Nyahahah!








congratulations! galing naman! feeling ko malapit ka na magka-award! hehehe! basta wag mo ko kalimutan sa speech mo ha! keep up the good work.
salamat. wala masyadong work kahapon kaya naisipan kong gawan ito ng entry. basta’t makapaglagay lang ako dito ay solb na agad ako. heheh
congrats po
ms. joanjoyce, thanks sa inyong pagdaan. malupit pa rin yung sa inyo kasi mas makabuluhan at ingles pa.
congrats kuya!!!!
sana therefore i am din..lolz!!!
representing Abu Dhabi UAE!!!!!
Kakatuwa naman, pati ako nakasingit sa post na ito nyahahha! Congrats sa’yo at keep on blogging baka sa susunod nandun kana sa top wordpress blog
lol! congrats charles
ako man kailan kaya mapupunta dyan ano?
nye! okray ko lang ‘to sa sarili ko. pero natutuwa ako’t napatawa ko kayo. lol
Congrats po! ako din pangarap ko din mapunta dyan.. hehe!
hehe!
Pa link po ah..
*link* yan tapos na..
helo po..
naks naman, nasa top posts sya.. congrats!!! ^_^
tc!
ayos lang yan!
Actually mas nakaka-addict tong wordpress na to kesa sa friendster.. haayyy ewan ko ba kung bakit..
congrats……:D salamas pala sa pag add sa BR at pagiwan ng bakas sa blag ko..
mas masaya talaga dito sa wordpress, di ba? at ang sarap ng tapik sa likod kapag nakita mo picture mo sa dashboard…
bat kaya ako wala nyan sa dashboard sis kengks? cha? mga ka-wpp? why oh why? huhuhu..
hahaha, naiyak si joanjoyce, wala ka nyan sa dashboard kasi isa ka ng dotcom, mas sikat ka sa amin, hehehe
—
> yun naman pala at mas sikat ang dotcom mo joanjoyce.