Hindi naman ako tubong Pampanga sadyang marami lang akong mga kaibigan at kaopisina dito sa Qatar na mga Kapampangan kaya’t medyo updated din ako sa mga pangyayari sa kanilang lalawigan. Madalas ko silang biruin na matatalino naman silang lahat kaya’t nagtataka ako kung bakit laging nanalo ang mga politikong may pangalan na lapid sa kanilang lugar. Hindi kaya dahil na rin sa tagumpay at sarap ng lapid’s chicharon? Ewan ko, basta ang alam ko ay mas masarap pa ang kumain ng chicharon kesa panoorin ko pa ang mga ginawa nila at tutal naman ay wala ka din naman masyadong mapapanood sa mga ito kaya’t mas maganda pang ituloy mo na lamang ang pagsubo sa mga chicharon. Oops, tigil ko na ‘to tutal hindi naman ito tungkol sa mga taong chicharon, yung bang parang masarap iboto pero puro hangin lang pala ang laman.
Kaya’t ng matapos ang nakaraang eleksyon ay nabanggit ko sa aking mga kaibigan na Kapampangan na napakaswerte ng kanilang lalawigan, hindi dahil sa doon galing ang ating kasalukuyang panggulo kundi dahil sa kanilang governor-elect na si Among Ed. Alam nyo’y matagal na rin akong naglalaro ng basketbol kaya’t naniniwala ako sa “divine intervention”, yung bang kahit na binato mo na lang yung bola ay nagagawa pa rin nitong pumasok sa ring kahit anong gawing supalpal ng iyong mga kalaban. Kaya’t ang pagkakapanalo ni Among Ed ay patunay lamang na hindi natutulog ang Diyos. Uy, tunog pelikula ata yon. Pa’no ba naman, isang kingmaker at anak ng isang senador ang mga tinalo niya. Sandamakmak na pera, malalaking partido, at kapapangit na mga goons ang kinaharap niya sampu ng kanyang mga kababayang naniniwala sa kanyang kakayahan at nagnanais ng tunay na pagbabago para sa kanilang lalawigan.
Kaya’t di nakakapagtaka na siya rin ang unang lumabas (at wala ng iba!) sa media upang sabihin ang naging maagang exchange gift sa Malakanyang kung saan namigay ng pera sa iba pang mga provincial governors kapalit ng kanilang mga mababaw na katapatan at suporta para sa gobyerno ni ate glow. Upang mag-glow pa ito kahit na sangkatutak ang mga anomalyang naglabasan mula sa pintuan ng kanyang palasyo. Na-alala ko tuloy yung entry ni Psicadelic tungkol doon sa commercial ng ating gobyerno na may temang “Ramdam mo na ba ang ginhawa?” Parang ginawa ata ito para lang sa pamilya ni ate glow at ng mga golfing buddies ng kanyang husbandry. Kasi ramdam talaga nila ang pag-asenso ng kanilang mga bank account! Mabuti sana kung mga SM gift certificates lang ang mga ipinamigay kaso daang libong piso na ang usapan dito. Samantalang yung napanood ko na episode ng SineTotoo sa Youtube tungkol sa mga naghihirap nating mga kababayan sa Bicol, ang kailangan lamang noong isang isang tatay ay 150 pesos lang para makakain na ang kanyang pamiya ng tatlong beses sa isang araw at tamang buffet na ‘to sa kanila.
Ang isa pang nakakalungkot dito ay ang iba’t ibang mga pagtatakip na ginagawa ng ating mga lokal at elekted opisyals tungkol sa nakakahiyang pangyayari na ito at pagpapaikot sa atin kung saan nga ba galing ang pera at kung para saan nga ito.
Kaya’t nakakadismayang makita na kahit na nasa tamang dereksyon at matuwid ang mga palakad ni Among Ed ay panay pa rin ang pukol sa kanya ng mga reklamo at pagbatikos sa kanyang mga desisyon. Sadyang hindi na ata mawawala ang mga ganitong tao na naghahangad laging isulong ang kanilang mga personal na ambisyon kahit sangkatutak na ang mga pera nilang ninakaw mula sa kaban ng gobyerno at lantarang panloloko sa kanilang mga nasasakupan. Nguni’t naniniwala pa rin ako na kaya natin itong malampasan sa pamamagitan ng tamang edukasyon, pagkakaisa, at ang paggamit sa ating mga talino sa tamang paraan. Sabi nga nga ating mga magulang basta’t may tiyaga, may divine intervention.
Kaya’t sana sa susunod na may freetime ang kagalanggalang nating senador na mahilig pumasok sa mga hotel sa makati ng walang paalam ay magawa niyang makipagkape kay Among Ed para naman maturuan siya nito ng mga “politically correct” na ugali ng isang elekted opisyal na tulad niya. Para sa ganoon ay hindi na siya sinusundo ng APC na nakapark pa mismo sa lobby ng hotel. Sobrang daming napeperwisyo! Isipin mo na lang yung nasirang reception no’ng bagong kasal, ang tagal din naman nilang pinagipunan ito at inayos ang kanilang mga scheds tapos bigla-bigla ka na lamang mag gra-grand entrance. Tsk, tsk, tsk, showbiz talaga ang papa mo!
Dagdag ko na rin dito ang isinulat pa ni Mr. John Nery sa kanyang column sa Inquirer tungkol sa reaksyon ni Among Ed sa kanyang pagkapanalo at isang maigsing pagsilip sa kanyang liderato.
No one disputes the importance of Fr. Ed Panlilio’s victory as governor of Pampanga province — except perhaps the priest-turned-politician himself. In several hours of conversation the other week (over late lunch, then during a roundtable interview, and then in small groups at the end of the day), he never alluded to the meaning of his improbable victory, or to the symbolic importance of winning over two entrenched politicians with deep-rooted power bases, or to any of the various interpretations that have been foisted on his election. The most I heard him say on the dynamics that led to his victory was an aside: “One of the crucial factors in Pampanga politics at this time is an active civil society,” he said. But this mention of an “awakened” citizenry occurred during a discussion of what can be done in the future, not what was done in the recent past.
This is, of course, unpolitical behavior. I do not share that instinctive distaste for politicians common to many middle-class Filipinos, or share the view, held by many Catholic voters, that politics is necessarily dirty. If we leave politics to the unscrupulous, well, we get politics without scruples. But it is true that many politicians find it essential to measure themselves constantly, to weigh their importance in the scheme of things; this is, shall we say, an occupational hazard.
If “Among Ed” [Elder Brother Ed], as he is known to almost everyone in Pampanga, has an occupation other than being a priest, in the order of Melchizedek, it is that of NGO worker. He has worked in the Catholic Church’s social apostolate for so long his habits of mind are eminently participative.
I thought his response to one volunteer’s suggestion, raised during the roundtable, was characteristic. “In concrete, what are you thinking of?” he prodded the volunteer.
At another time, he gave a two-sentence homily on ownership: “Sa amin kasi, importante ang owning process — pag inangkin ng tao, that’s the key.”
Even his analogies were down-to-earth. Asked what he thought of an election protest that seemed to have been mysteriously expedited, he replied: “Ang sasakyan po, pag puno ang gasolina, mabilis talagang tumakbo.”
When I entered Larry Cruz’s magnificent retreat in Magalang, Pampanga, where the roundtable was being held, I expected to meet a diffident priest, perhaps full of spiritual but rather impractical advice, perhaps apologetic about assuming a role that years of Catholic teaching have taught us belong rightfully to the laity. Instead I found a man living his vocation. “One can say that three preeminent qualities are decisive for the politician,” Max Weber famously wrote, “passion, a feeling of responsibility, and a sense of proportion.” Among Ed struck me as bearing all three qualities, but especially the last.
When he was asked if he had any regrets, his response was spontaneous: “Walang pagsisisi. It’s very exciting, it’s a happy job.”
At another time, he explained exactly why: “Maraming puwedeng gawin.” As a reformer, he couldn’t ask for more.
Mabuhay ka, Among Ed! Nawa’y dumami pa ang mga katulad niyo.








kasi kasi si trillanes mainitin ang ulo gera agad ang gusto kasi laking military, e si panlilio laking simbahan kaya mahinahon ang pag iisip at nag iisip, di naman kasi lahat ng bagay nasusulusyonan ng karahasan.
—
> hi ms. joanjoyce! nakalimutan na niya kasi yung saying na “The pen is mightier than the sword” kaya’t bira na lang ng bira. Anong hotel naman kaya sa susunod? Pwede din sa MOA para mas malaki at maiba naman.
oo nga sana dumami pa ang ed panlilio dito.. (clone? haha) i mean yung kagaya nya.. talagang humanga ako sa kanya nung lumabas sya sa media atv pinakita yung limpak limpak na pera..
yung tungkol naman ke trillanes.. pinairal kasi ang init ng ulo eh..haynaku…
—
> hi angel! oo nga at kung hindi lang bawal ang mag-clone ay ginawa na natin siguro yun. yung ibang senador naman ay i-discharged na natin at ‘lang kwenta talaga.
ang ganda nitong balita mo ha.. sana dumami ang lahi nya
—
> sana’y dumami pa nga mga tunay na lider ng ating mahal na pinas. bale at lider naman tayong lahat in our own small way.
*ping* salamat ako’y na ping mo..
bilib din ako kay Among Ed! sana talaga maraming tumulad sa kanya.. wala namang mawawala kung magiging mabuti silang leader.
Malas lang talaga nila at si Among Ed ang inabutan nila ng pera, di ba nila alam na alagad din siya ng Diyos kaya gagawa siya ng mabuti para sa ikabubuti ng lahat!
—
> akala kasi ang lahat ay natatapalan ng pera. nalimutan ata nila na napalitan na yung gobernador ng pampanga. patakbuhin na ba natin ang lahat ng mga nasa simbahan?
pareng cha congrats, napasama ka na naman sa top post…galing talaga!
wow.. bihira na talaga ang tulad ni Among Ed sa panahon ngayon….
magulo na ang pulitika sa bansa natin kaya kailangan pa ng mas maraming tulad nya…
out of topic: salamat nga pala sa link kuya.. ^_^ likn din kita..
maki-baka maki-baka ipaglaban ang karapatan herherher danda naman ng blog mo charleskorner add kita sa blogroll ko
epam70
—
hi epam! ikaw ba yang nasa pics? ang aga mo atang natutong magblog. thnks for adding me up. sige at tambay din ako sa iyo.
uu 15yrs from now… herherherherrherher