Kapag ganitong buwan ng Disyembre ay mahilig akong maghanap ng mga pictures at articles sa internet na related sa ating tinatawag na “Paskong Pinoy” para maramdaman ko rin ito kahit sa pagbabasa na lamang at para malaman na rin ang mga gagawing paghahanda at selebrasyon sa atin. Mga balitang tulad na lamang ng mga magagandang dekorasyon sa kahabaan ng Ayala (miss ko na rin yung paglabas mo ng opisina ay makikita mo na agad ang mga ‘to), mga bazaar schedules tulad ng nasa blog ni joanjoyce (para maabisuhan ko agad ang misis ko kung saan pwedeng mamili), pagbalita ng PAGASA tungkol sa pagbaba ng temperatura sa atin, pagbubukas ng Star City at iba pang mga carnivals, yung pagsindi ng malaking Christmas tree sa may Cubao (Sayang at di’na inabutan ng anak ko ang COD), mga usong laruan para sa mga bata, mga bagong klase ng mga paputok na binebenta sa Bulacan, at lahat pa ng mga balitang related sa ating kapaskuhan ay aking binabasa dahil ganoon ko na ka-miss ang mag pasko sa atin.
Kaya’t ng nakita ko ang article na ito sa INQ7 ay inakala ko na tungkol ito sa malamig na klima sa atin. Hindi pala. Ito pala ay ang column ni Mr. Conrado de Quiros tungkol sa nangyaring pormahan sa Makati. Alam ko na sangkatutak na ang sinabi at isinulat tungkol sa isyu na ito pero ng binabasa ko kasi ang kanyang sinulat ay ay natigilan ako doon sa mga huling sinabi niya sa kanyang kolumn.
Eto ‘yon….
I would read some of the blogs later asking what’s with Trillanes and hotels-then it was Oakwood, now it’s the Pen-and how many more hotels he’d ruin before he’s through. Others would ask why anyone would want to try to overthrow someone who would be stepping down after a couple of years or so anyway. I’ll deal with those concerns tomorrow and show why my sympathies lie in the opposite direction.
The more thoughtful, and truly depressing, comments came from people via e-mail and text messages. One summarized his dismay in this wise: “Human behavior is content to let others do the work to get for us what we are unwilling to do for ourselves.” My own thoughts drifted to Burke’s famous line, “All it takes for evil to triumph is for good men to do nothing,” and I wondered if we hadn’t just added whole new dimensions to that in recent days. Here we are confronted by a government that daily regales us with spectacular corruption, corruption of the body and corruption of the soul, the theft of money and the theft of morals, and we are unable do anything about it. And when some people try to do something about it, are too indifferent, too lazy, too insensate, to add our voices to it. All it takes for evil to triumph is for good men to do nothing? All it takes for evil to riot is for some good men to do something and for everybody else to think only of Christmas shopping.
I didn’t bother to tell my journalist friends about it anymore, but for a while at least I was glad I was out of the country. Some bitter colds are less bitter than others.
Marahil sa iba ay simple lang i-analisa ang mga ganitong bagay pero para sa akin ay nag-iwan lamang ito ng mga dagdag na katanungan. Nangangahulugan ba nito na tama pala ang binigay na suporta ng ating dating bise presidente at ng tatlo pang mga Obispo sa ingay, gulo, at atensyon na nangyari sa Makati upang magpasimula ito ng hustong ingay na magpapatalsik sa ating panggulo? Kung hindi kaya umuulan at malayo pa ang pasko ay mas marami kayang tao ang sumoporta sa kanila? Kung January naman kaya nila ito ginawa tulad noong Pipol Power 2 ver. 2001 ay naging successful din kaya sila?
Naalala ko tuloy yung kinakanta namin noong nasa elementarya pa ako na may lyrics na ganito “It is better to light just one little candle, than to stumble in the dark. Better far than you light just one little candle, all you need is a tiny spark…”. Tiny spark nga ba yung pinipilit nilang sindihan sa Makati? Anong hotel ba ang kailangang okupahin para mag spark na yung dapat mag spark?
Di’ba noong 1986 ay kudeta din naman matatawag natin doon sa ginawa nina Ramos at Enrile sa Camp Crame at kasabay ng pag-anunsyo sa Radyo Veritas ng kanilang ginawang pagbaliktad ay dinagsa naman sila ng tinatawag natin ngayon na “Pipol Power 1″ na nakasuot ng mga dilaw at may dalang mga bulaklak. Pinaalis ang diktador na rehimen at pinatalsik si Makoy kasama ang kanyang mga loyalists. Successful at sikat tayong mga Pilipino sa buong mundo. At noong 2001 naman (dito ay kasama na ako!), noong hindi binuksan yung envelope, samahan mo pa noong “victory dance” ni Oreta, ay nagsimula naman gumawa ng noise barrage ang mga tao sa Edsa Shrine hanggang sa lumawak pa ang protesta, dumami pa ang mga taong sumoporta, sumama na rin ang iba pang mga rehiyon, at tinawag na rin itong “Pipol Power 2″. Napasakay tuloy sa bangka si Erap para makaalis lamang sya dahil sa puno ng mga tao ang labas ng palasyo at naitalaga ang ating bagong gobyerno. Kaya’t pagdating ng Lunes ay bago na agad ang ating presidente. Talagang kabisado na natin ang gumawa ng isang mapayapang pagbabago para sa ating bansa. Mayapa? Oo. Pagbabago? Medyo mahirap pa rin sagutin.
Yung Edsa Tres kaya? Hindi siguro. Bansag lang ‘to pero hind lehitimong pagbabago ang gusto dito kundi paggamit sa mga mahihirap na pinoy para isulong ang kanilang mga personal na motibo.
Eh, Oakwood Mutiny? Hmm, hindi rin siguro. May punto pero nalilito pa rin ako bakit yun ang napili nilang hotel. Pa’no naman ngayon yung sa Manila Pen Standoff? Hindi ko na talaga alam.
Partida ay hindi pa nakapagkampanya ng husto si newly-elect-senator-with-penchant-for-makati-hotels noong nakaraang eleksyon dahil nakakulong ito pero napakalaking boto pa rin ang kanyang nakuha. Di tulad ni MigZubiri na dinagdagan pa ang mga boto este binilang pala ulit ang mga boto para siguraduhing nanalo nga s’ya. (Swerte talaga natin dahil lahat ng mga politiko ay gustong pagsilbihan ang ating mahal na Pinas!) Ibig sabihin ba ng botong kanyang nakuha ay marami ba talaga ang naniniwala sa kanyang ginawa doon sa Oakwood nguni’t sadyang ayaw lamang sa isang marahas na pagbabago o tinatamad na lamang sumali at busy na talaga sa kanilang mga kareer at lablayp.
Ano kaya kung twenty years from now ay isa na syang successful na bise-presidente? Di’ko na muna ginawang presidente at medyo sobra na ata ‘yon. Yun bise na talagang bise sa kanyang pagganap sa kanyang katungkulan at hindi lang display sa cabinete. Maging mas mabait na kaya sa kanya ang kasaysayan at i-revise nating lahat ang mga mga entries na ginawa natin ngayong taon?
Tama nga ba sila at mali tayong lahat? Tama nga ba tayong nakararami o mali silang mangilanngilan lamang?
Mali sila dahil marahas na pamamaraan ang kanilang nais gawin. Paano kung dumugin na sila ng suporta at lumawak pa ang mga sumasangayon sa kanilang mga gawain? Magbabago na ba ang iyong pananaw?
Mali sila dahil pagod na ang mga taong palitan pa ang ating mga namumuno. Pagod na ba tayong labanan ang mga katiwalian sa ating pamahalaan at hayaan na lamang silang mga ganid na patuloy lokohin ang ating mga mamayan?
Mali sila dahil wala sa pagpapalit ng gobyerno ang solusyon sa problema ng ating bayan. Paanong masosolusyon ng ating mahal na panggulo ang mga nagugutom at walang trabahong mga Pilipino kung inuuna pa nilang bayaran ang mga taong pinagkakautangan ng kanyang pagkapanalo (daw)?
Di’ko alam at di ko na rin alam kung saan patungo itong isinusulat ko. Pakiramdam ko ang bawat idinadagdag ko dito ay gumagawa lamang ng mga dobleng tanong para sa akin kaya’t tutuldukan ko na lamang ito at hihintayin ko na lamang ang inyong mga komento at paghuhusga.
Oops, may humabol pa pala at kaninang umaga ay nabasa ko naman ang article na ito tungkol sa blog countdown na ginawa ng isang kababayan nating naiinip na rin sa pagbaba ni ate glow.
*spark*







Trillanes is a distant relative, but I can’t say I approve of his antics. He cannot pull another People Power, and even if he could, what good would it do? Sya ang mag take-over? *shudder* All he’s done is distress hundreds of people, affect local tourism and undermine democracy.
—
Trillanes as president?! *shudder also* Maybe just a catalyst that will help us install the rightful leader that can truly govern and lead our country. I know that this is easier said than done and I still don’t what we will get from his “adventurism” but at least he is trying, albeit, in a wrong manner. I’m not a fan nor a distant relative and I also do not approve of his tactics, all I wanted is for us to have a true leader that will work for the betterment of our country and our people.
pasko na porget ko muna mga problema hehehe
—
> ‘lam mo tama ka dyan e. advance merry christmas na ms. joanjoyce! balikan natin yung isyu next month.
mahilig ka in sa news herherherherher