Mga dalawang buwan na ang nakakaraan ng inilabas ng Qatari government ang bagong listahan ng mga traffic violations na naglalaman ng mga matatas na penalty at kasama na rito ang posibilidad na makansela ang iyong lisensya ayon sa tindi ng iyong paglabag. Ito ay ginawa dahil na rin sa lumalalang sitwasyon ng mga aksidete na kung aaminin lang naman ng mga trapik opisyals sa kanilang mga sarili ay makikita mo na halos puro mga lokal din naman ang mga may kasalanann nito. Minsan ay nailathala na rin sa pahayagan ang pag-aaral na ginawa base sa mga statistika ng mga aksidente dito sa Gitnang Silangan at napag-alaman na mas malaki pa ang tsansa na mamatay ang mga residente dito sa isang vehicular accident kesa sa atake sa puso o sakit na kanser. Bakit ganoon?! Sampol, dito ka lang makakakita ng mga bata na masasayang naglalaro at nakatayo sa harap ng mga sasakyan (na karamihan ay mga SUV) habang mabilis itong tumatakbo sa mga highway. Hanep!? Hanep talaga at sadyang walang pakialam at ingat sa buhay ng kanilang mga pasahero at mismong mga kapamilya at kapuso nila. Eto pa, sa residential area ay makakakita ka naman ng dalawang SUV ulit na titigil na lamang bigla sa gitna ng daan. Magkukumustahan ang dalawang kumag na drayber habang pareho pa rin nakasakay sa kanilang mga sasakyan at masayang mag-uusap habang nakaharang sila sa gitna ng kalye. Walang pakialam kung may kasunod man sila o wala. Nga pala, kumag nga eh! Minsan ng sinabi sa akin ng mga kasamahan kong beteranong OFW na sa Arab countries kapag ikaw na ibang lahi tulad nating mga Asyano ay nabundol ng isang sasakyan na minamaneho ng isang lokal, ay pwede ka pa nilang sisihin at ikatwiran na kung wala ka dito sa kanilang bansa ay marahil hindi ka nila mabubungo. Hindi ko alam kung si Pilosopong Tasio ang nagturo sa kanila ng subject na Lohika pero may point din nga naman, hindi ko nga lang makuha kung ano. Nguni’t marami rin naman sa kanila ang mga edukado at marunong sumunod sa mga batas kaso ang pakiramdam ko ay hinigitan sila ng mga feeling F1 drayber sa mga kalsada. Kaya’t ngayon ay nais kong ipaalam sa ating mahal na Pinas na hindi lang tayo ang may problema sa mga walang disiplinang drayber, kundi ito ay isang epidemic na at nagkalat na din sa iba’t ibang mga bansa.
Opps, at medyo napalayo na yung kwento ko. Hindi naman talaga tungkol sa mga driving habits ng mga lokal ang gusto kong ikwento sa inyo. Ito ay ang boss ko na Indiano. Maaga kasing nakakuha ng bagong listahan yung Salesman namin na isang kababayan din natin kaya’t naisipan na rin niyang bigyan ng kopya ang lahat ng mga Pinoy dito sa aming opis at pati na rin ang aming Financial Controller na Egyptian (binigyan niya ‘to dahil ang akala namin noong una ay may simpatiya ito sa aming mga pinoy kaso tulad din pala ng ibang mga opis airheads. anyway, sa ibang araw ko naman ito ikwe-kwento). Samantalang sinadya ko naman na huwag mag-iwan ng kopya para sa aming head. Gusto ko kasing tignan kung anong magiging reaction niya kapag tinanong sya noong Egyptian kung bakit wala syang kopya. Feeling ko kasi ay parang comedy na naman ang magiging sagot niya. At nag-dilang anghel nga ako.
Nang matapos magbasa ang FC ay madali itong nagpunta agad sa aming opisina upang tanungin kung may kopya si doberman este ang aming head pala. Siya din ang aso ng mga big boss kaya yan ang bansag ng ibinigay sa kanya ng mga nakakatandang Pinoy dito sa aming kumpanya.
—
FC: Mr. Dober, do we have a copy of the new traffic violation list?
Dober: I dunnot know (yung mabilis na pagsalita na may kasamang accent ng mga bumbay)
FC: We should get a copy of this list.
Dober: I know. It’s important. Don’t worry, it’s in da internet. (medyo nagulat na wala siyang kopya)
FC: Really? Where in the internet?
Dober: (nangangapa ng kanyang sasabihin) It’s der….in the internet! I dunnot know….We jas have to find it.
FC: Ah, okay.
—
Hayup talaga este hanep pala! Kahit ano klaseng hirit ay gagawin basta lamang may maisagot kahit na magmukhang tanga. By da way, sampol lang yan at madami pa itong mga hirit na mas matitindi pa kesa do’n sa mga banat niya kanina. Ngayon kung tatanungin nyo naman kung paano ako nakatagal sa mga ganitong “opis airheads” (ngalan na hiniram ko naman kay Mr. Badoodles mula sa kanyang blog) ito ay dahil naman po sa dasal. Naniniwala kasi ako na ang lahat ng bagay ay nadadaan sa dasal lalo na’t kapag sinamahan mo ito ng iyong sipag at tiyaga. Kagaya na rin ng madalas kong sabihin, stepping stone ko ang mga ito upang lalo ko pang mapagbuti ang aking kareer. Hindi naman sa tatapakan ko sila. heheh. Ang sabi ng mga nakakatanda sa akin ay charged to experience at matatapos din ang mga ito at makakalipat din ulit ako ng bagong kumpanya. There is light at the end of the tunnel…at nakikita ko na ito.







talagang kapag sinamahan ng panalangin mabisa, good for you at nakikita mo na ang liwanag
Nga pala kakatuwa naman si Dober hehe..
—
> eto at patakbo na papunta sa liwanag…nababahala na rin kasi sa “stronger peso” daw.