Sa librong “A Mind of Its Own” na sinulat ng kilalang psychologist na si Ms. Cordelia Fine ng University of Melbourne sa Australia, ay kanyang binigyan liwanag ang salitang nakasulat sa taas. Sinabi niya sa kanyang libro na “All of us have at one point been guilty of bias. We tend to believe things that confirm our ideas, and dismiss things that run counter to what we hold dear. Once our brain makes up its mind on something, it forgets about arguments to the contrary”.
Siguro kung tatagalugin natin ang kanyang naging deskripsyon sa isang salita na angkop para sa ating dating panggulong erap ay maari natin gamitin ang mga sumusunod: manhid, kapalmuks, at bato. Dahil mula ng siya’y pinatalsik sa kanyang kinauupuan hanggang sa mahatulan at bigyan ng laya ni ate glow ay hindi niya nagawang humingi ng tawad sa lahat ng mga katiwaliaan na ginawa niya noong nasa Malacañang pa ito. Bagkus ay naghahanda pa ulit tumakbo.
Maihahalintulad mo na siya sa isang kabayong may suot na tapahoo sa kanyang mga mata dahil wala na siyang ibang nakikita kundi ang kanyang mga personal na ambisyon na binalutan niya ng kanyang mga matatamis na pananalita at asyong-salonga na porma upang magbigay ilusyon na siya ang tunay na representante ng masang Pilipino. Basta ba’t sisiguraduhin nyo lamang na tataya kayo lagi sa jueteng, para naman sulit ang kanyang pagmamahal at serbisyo sa taong bayan.
Ngayon kung medyo naguguluhan ka pa sa aking maigsing kwento at medyo nawala ka sa sirkulasyon dahil na rin sa kapapanood ng Marimar ay ating sariwain muli ang mga katagang binangit ng ating kontrabida. Eto at basahin….
Ang kanyang sinabi bago siya pinalaya:
“I would like to be with her in the last few days or months of her life.”
Ang sagot niya sa kanyang sarili pagkatapos lumaya:
Ang kanyang pinagdiinan sa harap ng munisipyo ng San Juan:
Simpleng sagot ni Mr. Edgardo Urieta, Sandiganbayan’s Chief Sheriff::
Ang kanyang mahinahong sinabi tungkol sa kanyang mga plano:
Ang kanyang naging masayang sagot sa kanyang sarili:
“Wala sa kanilang mananalo. Sarili ko na lang ang pipiliin ko.”
Kabubukas pa lamang ng taon ay eto na agad ang sumalubong sa ating mahal na Pinas. Di bale at dalawang taon pa naman bago dumating ang 2010, siguradong marami-marami pa siyang lechon de leche, liempo, balat ng baboy, chicharon, isaw, at toknene na makakain at mga red at blue label na maiinom kaya’t baka hindi na rin niya ito abutin pa at ma…mamaga din ang kanyang mga paa dahil sa arthritis na syang pipigil sa kanyang pagtakbo. Sabayan mo na lang ng pag-inom ng athro pills at siguradong bibilis pa ang iyong takbo paatras.
Kaya’t hahayan ko na lamang si Mr. Lourd de Veyra ang magsabi sa iyo ang tunay na mithiin ng bawat Pilipino na nagnanais ng isang matapat, masipag, at mapagkakatiwalaan na gobyerno…“Para sa iyo dating panggulo, AYOKO NG BABOY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”







sus, akala ko hindi na tatakbo pero ayaw lang pala sa maduming pulitika… teka, sino nga ba nagpaparumi nito? hmmm… no comment na!
>
tama ka at no comment na lang tayo at puro mga positibong aksyon na lamang ang ating gawin para mapaunlad pa natin ang ating mahal na Pinas.