Hindi biro ang mag-maintain ng isang blog. Una ay kailangang maging creative ka sa paggawa ng iyong mga postings para naman maging kaigaigaya ang pagbabasa ng iyong mga tropa at ang pangalawa ay mahalagang mayroon kang mailalagay dito kahit na isang kwento man lang tuwing isang linngo pero kung kakayanin mo naman na araw-araw ay why-not choc-nut. Ang hirap talaga! At kapag ganitong nakatapos ka ng gumawa ng isang entry ay problema din yung pag-upload lalo pa’t wala naman kaming internet dito sa aming flat. Kaya’t ang style ko ay gumagawa na lang ako sa gabi at pagpasok ko kinabukasan ay doon ko na lang sila i-na-upload at eto na nga yon, kaso ang problema ay noong nagbakasyon na si opismate no. 2 at ang naiwan na lang ay si opismate no. 1 at opismate no. 3 (ako ‘yon).
Kasabay ng pagpasok ng malamig na hangin noong nakaraang Disyembre ay sinabayan na rin na mag-turn ober ni opismate no.2 ng kanyang mga gawain at datos. At habang ginagawa namin ito ay parang may narinig akong bumulong sa akin at sinabing “Cha, this is the calm before the storm”. Hindi nga ako nagkamali. Dahil sa pagpasok pa lang ng taon ay hindi na tumigil ang dating ng mga trabaho, ang paglapit ng mga makukulit na kaopisina, mga reports na dapat tapusin, at mga pakikipagtalo sa mga department heads at opis airhead (Pahiram muna Mr. Badoodles na iyong term) na demigod kung umasta. Kaya’t eto at mahigit isang buwan at kalahati na akong puyat. Sama-sama na diyan yung mga obertime, late dinner, tambak na labahin, hindi maubos na plantsahin, pagluluto sa gabi, at mga bertdey/inuman na naimbitahan ako. Mayroon nga akong tatlong entries na ginawa para dito sa aking korner kaso ay hindi ko pa rin sila natatapos dahil laging nauudlot. Kaya’t ng makatanggap ako ng email mula sa isang tropa na humihingi na ng bagong kwento sa akin dahil wala na syang mabasa dito ay medyo parang kinurot ang aking puso. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit ko naramdaman yung kuro’t kaya minabuti ko na lang na magtipa ulit ngayong gabi. Kaya’t eto habang tinutunaw ko yung kinain namin kanina mula sa Mongolian Grill sa may Villagio Mall ay minabuti ko na munang tapusin ito, may sense man o wala. Ang mahalaga ay makapag-ambag ako sa araw na ito. Siguradong matatapos ko na ito ngayong gabi dahil tiyak na matatagalan pang matunaw ang pansit at dalawang rice na inorder ko kanina. Ikaw ba naman ang magtulak ng sasakyan eh di sigurado ngang magugutom ka ng husto.
Kaya’t kapag binabasa ko yung mga bagong entries ng mga nasa blogroll ko at pati na rin sa mga miyembro ng WPP ay sadyang napapabilib ako dahil halos araw-araw ay mayroon silang mga bagong kwento. Sabi ko pa naman sa aking sarili na para sa taon na ito ay at least mga dalawang kwento bawat linggo ang aking ilalagay at kung may pics man akong isasama ay mayroon din itong kaakibat na istorya rin. Kaso unang buwan pa lamang ng taon ay medyo sablay na agad ako. Sabi ko ay ok lang dahil puro lehitimo naman yung mga dahilan pero ayaw ko pa rin ng ganitong sistema kaya’t kailangan doblehin pa ang sipag upang mapunan ko ang aking responsibilidad dito sa aking korner.
Maraming balita na ang gumulat sa ating Mahal na Pinas mula sa pagbukas ng taon na ito tulad na lamang ng pagbisita ni erap sa inquirer pagkatapos niya itong ipa-boycot sa mga advertisers noong panahon na panggulo pa sya (Ito kaya yung style nya na “Keep your friends close, but keep your enemies closer”), ang pagsalungat ng mga “duly-elected officials” ng pampanga laban sa kanilang “duly elected” governor at Inquirer’s Filipino of the Year na si among ed dahil na rin sa sa mga bagong sistema na kanyang inimplemento na sumira sa kanilang mga corrupt na pamamalakad, ang pagsampa ng kaso ng abscbn laban sa mga illegal na pag-aaresto sa kanilang mga reporters kasabay nito sympre yung pagsampa din nila ng kaso laban sa channel 7 para mas lalo silang pag-usapan. Sarap sanang isama ang aking isang sentimong opinyon sa mga usapin na ito kaso sa dami ng trabaho ay hindi ko na magawang isulat ang mga ito. Pilit ko pa rin naman sinusundan ang mga pangyayari sa atin at pati na rin dito sa Gitnang Silangan at iba pang mga bansa kaso ay sadyang hindi lang ako agad nakakapagtipa upang matuloy yung mga nais kong ikwento dito.
Kaya naman noong nabasa ko itong ipinadala sa akin ng pinoy kong kaopisina mula sa kanyang Egyptiona na superbisor ay sinabi ko sa aking sarili na taym out na muna…“all work, no play, makes charles a dull boy”. Hindi naman ako nagkaroon ng nose bleed pero at least ay inaliw ako ng maigsing email na ito mula sa aking pagiging toxic sa aking trabaho noong isang linggo. Mabait naman ang may akda nito kaso mahilig lang talagang magpalad ng papel sa mga amo, eniway, eto at inyong basahin…
Dear Pekto, (hindi tunay na pangalan)
If you cheek the consumption for this 2 code Number In your mail will find no consumption In the system we call the customer But he did not replay in this time we but the customer inactive, But if take water from the driver and he did not writ In the RM we to call the driver And cheek with him How he supply to the customer with not inter in the Rm (initials ng software na ginagamit nila) tomorrow we need to cheek with Rout -2 & 8 or maybe the customer have anther code Number Plz make sure This the code number for the customer
Tomorrow will be cheek?
Best regards Best Rardsegbrds (etong isa ay naka-highlight ng puti para hindi namin mabasa, siguro ay babalikan pa ulit para tignan ang spelling)
Mabuti na lang na hindi ko sya kapalitan ng mga emails. Sabi ko sa aking kaopisina na mag reply at sabihin na huwag magtipid sa paggamit ng comma at period dahil libre naman ang mga ito. Bayad na ng opisina.
Salamat pa rin sa kanya dahil sa inaliw niya ako at binulabog dito sa aking korner, at dahil doon ay napatayo at masayang sinabi sa aking sarili na “I will work hard and I will blog harder!!!”