Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

Posts Tagged ‘kaopisina’

Hirap ng walang internet sa bahay. Balewala tuloy yung mga biniling laptop ng aking mga kasamang Pinoy at hindi man lang kami makapag-browse o makapag-check ng mga email. Lumipat na kasi yung kapitbahay namin na mayroong unsecured wifi kaya’t natapos na din yung mga maliligayang araw namin. Samahan mo pa ito ng limang araw na bakasyon dahil sa Eid Al Adha holidays plus Christmas at New Year holidays pa ay sigurado namang na miss ko na ng husto ang aking libreng internet sa aming opisina at atat na agad akong gumamit muli. Parang adik ang dating di’ba. Kaya tuloy lahat ng mga balitang gusto kong basahin sa internet, mga blogs na nais kong bisitahin, mga sites na gusto kong silipan este silipin pala, mga youtube videos na gusto kong panoorin, at mga files, movies at tv shows na gusto kong i-download ay pilit kong ginagawa lahat dito sa aming opisina. Kasabay nito siyempre ang magaling kong pagtupad sa lahat ng aking mga trabaho at responsibilidad sa aming prestisyosyong kumpanya. Yabang ba? Hindi naman siguro, multitasking lang at walang personalan.

“Swerte ko raw”, sabi ng mga opismate kong pinoy na inalisan na ng mga internet access ng aming administrator dahil na rin sa utos ng kanilang mga amo at dala na rin siguro sa kabadtripan niya sa amin dahil sa sipag at pagiging adelantado este talentado nating mga pinoy sa ating mga trabaho. Hula ko lang naman yan. Ang naging sagot ko naman sa kanila ay siguro gusto lang ng kanilang mga bossing i. e. mga Egyptian, Jordanian at Indiano, na sila lang ang pwedeng magpapalitan ng mga latest FHM pics at kumopya ng mga naruto movies at iba pang mga anime videos kaya’t inalisan sila ng mga acccess.

Kaso hindi araw-araw ay pasko. Eto yung kataga na madalas nating sabihin kapag lagi kang bwenas tapos ay bigla nag-iba yung takbo ng swerte mo, tulad na lamang ng mga halimbawa na ito: Madalas kang libre sa pamasahe mo sa tricycle dahil sa tropa mo yung driver na lagi mong sinasakyan. Nagulat ka na lamang ng isang araw ay mayroon na ulit sumisingil sa iyo dahil sa natangal na pala yung tropa mo dahil puro butaw pala yung mga isinasakay niya esp kung may mga magagandang chicks. Isa pang sampol kung hindi mo nakuha, madalas kang umiinom ng libre mula sa paboritong mong videoke bar dahil sa syota mo na yung gro na lagi mong tine-table dati at sya na ngayon ang bumibili ng mga drinks mo. Isang araw ay napatulala ka na lamang ng makita mo itong ipinasara na pala ni Meyor Lim at nag-japan naman yung gro-prend kung kailan medyo nadedelop ka na sa kanya. Sakit di’ba. Gayunpaman, nawa’y nakuha nyo na ang kahulugan ng nais kong sabihin kanina kaya’t bago tayo malayo ay balik na muna tayo sa aking kwento. Nabangit ko ang mga ito dahil dalawang buwan na ang nakakaraan ay inilipat na ang aking internet access sa aming proxy server. Anong kaibahan? Di ko alam at medyo teknikal basta ang alam ko lang ay naapektuhan ng husto ang aking mga abilidad.

Unang nawala ay yung abilidad kong kumopya ng mga pelikula at tb showso mula sa mininova. Buti na lang at strike pa ang mga Hollywood writers kaya’t halos tumigil na rin yun mga bagong episodes ng mga shows na sinusundan ko at puro re-runs na muna sila o di kaya naman ay maagang tinapos na muna ang kanilang mga kasalukuyang season. Kung walang mininova ay otomatik na rin na hindi na rin epektib ang abilidad kong gamiting pa ang aking limewire kaya’t medyo pahinga din ako ngayon sa pangongolekta ng mga mp3 files. Damay na rin pati yung chikka text ko. Buti na lang at may chikka text 2.0 na!

Okay na sana kaso pati gmail ay dinamay na rin. Nakita ata noong nag cha-chat kami ng aking misis. Ano nama ang problema doon? Ginagamit ko lang naman yung mga libreng features ng aming mga gmail account. Tsk, tsk, tsk, bad trip. Buti na lang ay naapektuhan pati ang aking mga ka-departamento na sina opismate no. 1 and opismate no. 2. Kaya’t no choice sila kundi ibalik ito sa amin kaya okay na ulit ang aking account.

Ang sumunod na nawala ay yung abilidad na panoorin at kumopya mula sa YouTube. Buti na lang at may link ang UKYouTube kaya’t nakakapasok pa rin ako at may KeepVid na magagamit pa rin kaya’t tuloy ang ligaya sa pagkopya ng mga paborito kong kapuso shows tulad ng Marimar. Ayyy!

Pati na rin yung prendster access ko ay nadamay na din. Sakit nyan! Hindi ko tuloy ma-i-add agad yung mga nag re-request sa akin at makapag-reply agad sa kanilang mga messages. Dahil dito ay tuwing weekend ko na lang nabubuksan ang aking account. Pakingshyet talaga! Panahon na siguro para mag-multiply na rin.

Pero habang sinasarado nila ang lahat ng mga ito ay masaya naman akong nagbubukas ng mga panibagong pupuntahan at pagkakaabalahan. At isa na nga dito ay ang masayang mundo ng blogging. Isabay mo pa dyan ang WP Pinoys na sinimulan ni Chuckster kaya’t solb na solb na ulit. Blog hopping naman ang tema ng aking mga aktibidades sa ngayon. Dapat na rin sigurong bilhin ko yung laptop na nakita ko sa mall noong isang buwan para sa tuwing matatapos akong maglaba at mamalantsa ay pwedeng-pwede ko pa rin ituloy ang paggawa ng mga bagong entry para dito sa aking korner. Kaya’t time spacewarp, ngayon din!

At dahil hindi naman nga ako kasingbilis mag-ipon at gumawa ng mga blog entries na katulad ni Shaider, ay masaya ko na lang munang gagamitin ang aking libreng internet dito sa aming opisina at magtitiyagang magtipa ng aking mga entry sa aking dell optiplex 745 at habang nakangiting aabangan din ang pagdating ng dsl koneksyon sa aming flat dahil na rin sa inisyatibo ng aking mga kasamang pinoy na may laptop na. Talagang pinagpapala pa rin. 😉

Read Full Post »